NANDAYA sa dating ELEKSON , Nandaya pa rin sa RECOUNT?? - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Tuesday, April 3, 2018

NANDAYA sa dating ELEKSON , Nandaya pa rin sa RECOUNT??





Personal na nag obserba si dating senador Bongbong Marcos sa unag araw ng recount na ginanap sa gymnasium sa 5th floor ng SC-Court of Appeals Building sa Padre Faura, Maynila. Ang recount na nagsimula nitong lunes ay sarado sa media.

Pagkatapos ng pag-obserba, ipinaalam ni Marcos na may mga basang balota at mga nawawalang  clustered precinct audit logs sa munisipalidad ng Bato, Camarines Sur.

Pahayag ni Marcos, ang lahat ng mga ballot boxes mula sa apat na presinto sa munisipalidad ng Bato sa Camarines Sur ay basa lahat kaya ang mga nilalaman nito ay hindi mabasa. Mula din sa 42 na presinto sa parehong bayan, 38 ang nawawala ang mga audit log.






“Mayroon na rin kaming nakita, apat na presinto sa bayan ng Bato, lahat ng balota basa. So, hindi magamit.

“Hindi namin maintindihan papaano, imposible naman siguro na dalawang taong basa ‘yan. Palagay ko, kailangan talaga pag-aralan kung paano nangyari ‘yan. Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box” sabi ni Marcos.

Dagdag pa niya, ang mga audit log daw ay naglalaman ng rekord ng oras kung kailan binuksan ang presinto, isinara ang presinto at kung anong oras bumoto ang mga tao.




“Out of 42 precincts, 38 precincts walang audit log, kinuha yung audit log, in other words binuksan na yong ballot box. kinuha yung audit log at hindi namin makita.

Bakit importante yun? dahil ang audit log ay rekord na kung anong oras nagbukas ang presinto, anong oras nagsaksak ng boto, anong oras nagsara yung presinto,” saad pa niya.

Sinabi din na Marcos na mukhang hindi secured ang mga ballot box dahil may nakita siyang butas na tinapalan ng masking tape sa gilid.

“May sealed, pero yung iba butas, yung isang nakita kong ballot box may butas tapos tinapalan na lang ng masking tape sa gilid, may crack.” ayon pa kay Marcos.




No comments:

Post a Comment