Pinangako ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III ay sa USA na siya permanenteng titira kung ang dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ay mananalo sa eleksyon laban kay Bise Presidente Leni Robredo. Ginawa niya ang kanyang komento ngayong Lunes, Abril 02, sa unang araw ng recount ng manu-manong boto para sa vice-president sa eleksyong 2016.
“Ako po ang naniniwala na kahit ilang beses pang bilangin ang mga boto, si VP Leni Robredo pa rin ang lalabas na panalo. Maliwanag pa sa sikat ng araw na walang dayaang naganap noong nakaraang eleksyon.”Sinabi ni Noynoy Aquino sa mga reporters na humiling ng kanyang reaksyon tungkol sa inaasahan niya sa resulta ng patuloy na recount ng poll.
“Alam din naman natin na ginagawa nilang para lang lumabas na si (Bongbong) Marcos ang nanalo. Nakita natin yan nung ginipit nila si dating Comelec Chairman Andres Bautista, na napilitang mag-resign dahil sa kung anu-ano ang binintang nila. Nakakapagtaka din na ilang beses naurong ang recount, dahil sa mga palusot nila.” dagdag pa niya.
“Ngayon, kung papayagan nilang magwagi ang nagbintang na dinaya na wala namang matibay na ebidensiya, para saan pa na mananatili ako sa ating bayan. Kung napilitang silang tumira sa Amerika dahil nandaya sila, titira naman ako doon dahil nandaya uli sila.” pahayag pa niya.
Samantala, sinabi ng mga abogado ni Robredo at Marcos na tiwala sila na mananalo ang kanilang mga kliyente. Sinabi ni Vic Rodriguez ang legal counsel at tagapagsalita ni Marcos na ito na pinakahinihintay, habang ang abugado ni VP Robredo na si Romulo Macalintal ay nanumpa na isuko ang lisensya ng kanyang pagka-abogado kung mananalo si Marcos bilang isang vice president.
No comments:
Post a Comment