RECOUNT, SINADYANG DAYAIN! Mga BALOTA, BASANG-BASA at mga AUDIT LOGS, NAWAWALA! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, April 4, 2018

RECOUNT, SINADYANG DAYAIN! Mga BALOTA, BASANG-BASA at mga AUDIT LOGS, NAWAWALA!





Sa unang araw ng manual recount ng balota nina Leni Robreo at Bongbong Marcos sa vice-presidential race ay nagkaroon na ng malaking isyu sa pagbilang ng mga boto dahil sa mga basang mga balota at nawawalang audit logs.
PHOTO SOURCE: Nowreader.co
Reklamo ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., basa ang mga balota mula Bato sa Camarines Sur at sila ngayo'y nagtataka kung paano ito nangyari at aniya marahil sinadya ito dahil basang-basa pa.

“Hindi namin maintindihan papaano, imposible naman siguro na dalawang taong basa ‘yan. Palagay ko, kailangan talaga pag-aralan kung paano nangyari ‘yan. Ibig sabihin kasi kung may nagbasa, may nagbukas nung ballot box,” ani Marcos.
Dagdag pa niya, kaya wala ring audit logs dahil sinadya ring kuhanin iyon.
“Bakit walang audit log? Ibig sabihin binuksan ‘yung ballot boxes, kinuha ‘yung audit log. At hindi namin makita,” giit pa ni Marcos.



Paliwanag ni Marcos, sa audit logs makikita kung may mga bumoto illegally o may batch voting.
“Kung lahat ng boto pumasok, halimbawa…500 boto ang pumasok within 30 minutes, nag-batch feeding ‘yan…’yan lahat ay nasa audit log,” paliwanag ni Marcos.
“We’re going to have to find a way to recover those audit logs somehow. Since we are using computers, baka naman it’s possible that those audit logs are in the database,” dagdag niya.
Ayon pa kay Marcos, bago pa masimulan ang recount nitong umaga ng Lunes ay nalaman niya nang hindi secure ang mga balota dahil sa umano'y may isang butas na balota na nilagyan lamang ng masking tape at may sira ang tagiliran nito.
Panuorin ang video dito.




No comments:

Post a Comment