Nakiisa rin si Senator
Bam Aquino sa isinagawang indignation rally ng mga estudyante upang iparating
ang pagtutol sa pagpapatalsik ng Supreme Court kay Chief Justice Maria
Lourdes Sereno.
Nasa mahigit 1,500 na
estudyante ng Ateneo De Manila University, University of the Philippines
and Miriam College ang sama-samang nagkaisa na halos pinuno ang Katipunan
Avenue nitong Biyernes.
Sa panayam kay Aquino
habang isinasagawa ang protesta, ipinahayag niya ang pagkadismaya sa naging
desisyon ng hukoman.
“Nakakalungkot
ang araw na ito. Klarung-klaro po na unconstitutional ang nangyari sa ating
bansa,” saad ni Aquino.
Ayon kay Aquino,
ang tamang paraan lamang upang magtanggal ng public officer ay ang impeachment.
Dagdag pa niya, na
nakiisa sila upang ipakita na sila ay galit sa nangyayari sa ating bansa.
“Ang nangyayari sa
ating bansa ay napakasakit at napakasaklap talaga. Ito pong nangyari ngayong
araw na ito ay kailanangan linawin natin. Hindi po ito simpleng bagay lang, isa
po itong dark day in our country. Isa po itong dark day for democracy.,” saad
ni Bam.
“Klarung-klaru po
binaliwala ‘yung constitution. Ang demokrasya natin po kitang-kita na humina
dahil po sa desisyon na iyan,” dagdag nito.
Paliwanag pa ni
Aquino na nanganganib na umano ang karapatan ng mga Pilipino. Panghihikayat pa
niya na dapat handa umanong lumaban ang lahat upang ipaglaban ang karapatan ng
bawat isa.
No comments:
Post a Comment