Muli na namang pinaringgan ng Pangulo ang Abs-Cbn Network na maaaring hindi niya sasang ayonan ang pag rerenew nito sa darating 2020.
"I said they have committed so many frauds. They have to answer for it. If they cannot explain to me why they should not be given an extension how not to run an outfit. I said I'm going to oppose it," sabi ng Pangulo.
Dagdag pa ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kasagsagan ng kampanya noong 2016 matatandaan na nagbayad siya para ipalabas ang kanyang Ads ngunit hindi ito tinupad ng nasabing Network.
Nais sanang ibalik ng nasabing Network ang perang ibinayad ng Pangulo para sa kanyang Ads na hindi nila nagawang ipalabas ngunit ito ay kanyang tinanggihan dahil ayon sa Pangulo ay ibinalik nila ito kung kailan tapos na ang Election.
Mismong si Sen. Francis Escudero din daw ay biktima ng parehong pangyayari dagdag ng Pangulo.
No comments:
Post a Comment