BAGONG PANGANAK NA SANGGOL, INILAGAY SA PLASTIC BAG AT ITINAPON SA BASURAHAN! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, August 19, 2017

BAGONG PANGANAK NA SANGGOL, INILAGAY SA PLASTIC BAG AT ITINAPON SA BASURAHAN!



Ang inabandunang bagong panganak na sanggol na babae ay nakarekober sa ospital matapos iwanang hiwa ang kanyang lalamunan at inilagay ito sa isang plastic bag na itinapon sa isang basuran sa lalawigan ng Liaoning ng Tsina.





Isang lalaki na naghahanap ng basurahan para sa mga nabubulok ang nakatuklas sa babaeng sanggol at nakitang nakakabit parin ang kanyang inunan (placenta) at umbilical cord. 




Agad namang tinawagan ng mga lokal na residente ang pulisya at dinala ang sanggol sa ospital kung saan siya ay nananatili paring nasa kritikal na kondisyon..

Ayon sa residenteng nagdala ng sanggol sa ospital, "Siya ay humihinga pa at tumitibok pa ang kanyang puso. Ang dugo mula sa sugat sa kanyang lalamunan ay nagkalat sa kanyang buong katawan."

Agad namang binigyan ng paunang lunas ng mga doktor ang sanggol at nakitang dalawang-pulgada ang lalim ng sugat sa kanyang leeg at dahil sa kalaliman nito ay bumababa ito patungo sa kanyang windpipe. Ayon sa doktor, nilaliman ang hiwa dahil gusto na itong mamatay agad. 






Samantala, pinaniniwalaan naman na ang sanggol ay biktima ng patakarang "One Child Policy" ng bansa.

No comments:

Post a Comment