Hindi na halos
makilala ang isang babae bilang sex slave na nakatakas mula sa mga ISIS group
dahil sa basag at disfigured ang face nito. Kaawa-awa ang sinapit ng dalaga mula sa
makailang pagtakas nito sa teroristang grupo.
Kinilala ang babae sa
pangalang, Lamiya Haji Bashar, 18 taong gulang pa lamang. sa kanyang murang
edad, naging malakas ang kanyang loob para lamang takasan ang pagmamaltrato at
ang kahayupang ginawa sa kanya ng mga teroristang grupong ISIS. Napag alamang pinangungunahan
ni Lamiya ang pagtakas kasama ang iba pang mga kababaihan na ginawa ding sex
slaves ng mga ISIS.
Sa isang pahayag
sinabi ni Lamiya, "He said that either they must kill me or cut
off my foot to stop me escaping. I told him that if you cut off one foot then I
will escape with the other. I told the judge I would never give up. So they
replied they would keep on torturing me if I tried to escape."
Isa si Lamiya sa mga
nagkokondena sa sex slave. Kahit paman nakatakas na ang dalaga, nag iwan naman
ng isang malaking bakas mula sa kanyang sinapit sa kamay ng mga bandidong grupo
sa pamamagitan ng pagkasira ng kanyang magandang mukha, maging sa makailang
beses nitong nahalay ng mga bandido.
Nasira ang kanyang
magandang mukha dahil sa kanyang pagtakas. Nagtago umano ang dalaga sa isang
lugar kung saan pinasabugan naman ito ng mga ISIS sa kalagitnaan ng kanyang
panglima at huling pagtakas mula sa mga Jihad.
Dinetalye din ni
Lamiya na noong siya'y bihag pa lamang ay, pinapatulong ito ng pwersahan sa mga
suicide bombing, at maging sa mga pagbebenta ng mga kasamahan niyang babae sa
mga matatandang lalaki bilang sex slaves. Naikwento rin ng dalaga na sa isang
kwarto, pinagtulongan umano siya gahasain ng apat na pung (40) kalalakihan.
"These men were more than monsters. That’s
why I stayed strong, because I wanted to challenge the life they gave
me," aniya.
Samantala, iilan sa kanyang mga kapatid ay nakatakas na rin mula
sa pagiging sex slave, maliban sa isa pa nitong kapatid na babae na 9 na taong
gulang lamang na ngayo'y kasalukuyang hawak pa ng mga Jihad bilang sex slave.
Gayunpaman, nakatanggap ng parangal ang dalaga dahil sa katapangan nito. Sa kasalukuyan, nais ng dalaga na makapag aral muli at ipagpatuloy ang naudlot nitong pangarap.
Saludo kami sa iyong katapangan!


No comments:
Post a Comment