BAM AQUINO! PINAGHIHINALAAN ANG PNP? - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, September 14, 2017

BAM AQUINO! PINAGHIHINALAAN ANG PNP?





May tinatago ba kayo?
Ito ang mga unang salita na nasabi ni senator Bam Aquino dahil umano sa naging hakbang ng Philippine National Police (PNP) na bawalan at limitahan ang pagpapakita ng spot reports sa Senado at sa media.

"Last hearing, pumayag na si Gen. Ronald Dela Rosa na wala na ng dapat pang itago ang ating mga kapulisan kaya nagtataka ako kung bakit ayaw ibigay ng ilang tauhan niya ang spot reports sa media." saad ni Sen. Aquino.
Ito daw ay dahil sa ulat ng ilang media na wag daw bigyan ng pagkakataong tingnan ang spot reports dahil daw umano sa bagong kautusan mula sa Camp Crame.

Dagdag pa ni Aquino kung wala naman daw itinatago ay maari namng ipakita ang mga spot reports sa media dahil alam naman daw nilang hawakan ang mga confidential na mga impormasyon sa spot reports.

Ayon din sa kanya, ang ginagawang pagtago ng PNP ng spot reports mula sa media ay baliktad sa isinulong ng Pangulo tungkol sa transperency sa pamahalaan sa pamamagitan ng Freedom of Information.

Umasa naman ang Senador na tutuparin ni Gen. Dela Rosa ang pangako nitong bibigyan ang mga Senador ng kopya ng spot reports lalo na sa mga iilang kaso ng etrajudical killings at mga pagpatay sa labas na naging operasyon ng mga pulis.




No comments:

Post a Comment