Lumusot sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang House Bill 4982 o mas kilalang "Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Act."
Dahil dito, maaaring mabilanggo ng anim na taon at magmulta ng kalahating milyong piso ang sinumang mag-discriminate sa mga LGBT (lesbian, gay, bisexual, at transgender) community.
Tuwang-tuwa naman si Dinagat Islands Representative Kaka Bag-ao, principal author ng nasabing panukala at nagsabing, “This is a victory for equality. We are moving closer towards realizing our aspiration for a fair and free society where no one will be discriminated based on SOGIE.”

No comments:
Post a Comment