Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes na isang araw ay ibibigay niya ang kanyang narcolist sa mga pari at obispo at hihilingin sa kanila na makipag-usap sa mga personalidad na nakalista dito.
Ayon sa Pangulo, maaaring makatulong ang mga pari dahil sila ang kanilang mga parishioners.
“These priests, they easily condemn (the government’s anti-drug war),”pahayag ng Pangulo sa isang hapunan ng Malacañang na inisponsor sa mga miyembro ng media. Ito ang pangatlong inisponsor ng Pangulo sa media, isa para sa mga mamamahayag at dalawa para sa Malacañang Press Corp.
“You go to these people (drug suspects) and tell them to stop already. You have the money to do that. That’s your job (also),” sabi ni Duterte, na tinutukoy ang Catholic clergy - na madalas pumuna sa kanyang digmaan kontra droga at ang pagkamatay ng 13,000 na indibidwal na naka-link sa mga bawal na gamot.
“They are alive, you talk to them and tell them they would end up in a very serious situation if they continued,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi rin ni Duterte na maaaring gawin ng Simbahang Katoliko ang "preemptive move" kung nais talaga ng mga pari at obispo na tumulong.


No comments:
Post a Comment