Matapos ang sunud-sunod na batikos na natatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga, muli niyang binanatan ang kanyang mga kritiko kasama na ang mga pinuno ng simbahang katoliko.
“We are now a narco-state. You ask why I did not tap the barangay captains? I cannot trust the idiots anymore! Forty percent of the barangay captains are into illegal drugs,” pahayag ng Pangulo sa isang hapunan ng Malacañang na inisponsor sa mga miyembro ng media.
Sinabi niya dahil dito, kailangan na niyang gamitin ang militar sa kampanya laban sa droga at malinaw ang kanyang mga utos: upang buwagin ang mga pabrika ng bawal na gamot at hulihin ang mga drug suspect.
Ngunit sinabi ng Pangulo na hindi kasama sa kanyang mga utos ang pagpatay ng mga drug suspects maliban na lang kung sila ay marahas na lumaban. Hindi na rin aniya kailangang sabihan ang mga militar at pulis sa kanilang mga gagawin dahil alam na nila umano.
Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ni Duterte na ang pagpatay sa mga drug suspects, lalo na sa mga bata ay hindi kasama sa aking mga utos.
“You can ask the military or the police in Manila if I ordered them to (kill drug suspects). If anyone of them stand up and say I ordered them to kill the poor and the children, I would resign because that would make me a liar, that’s the truth,” dagdag pa ng Pangulo.

No comments:
Post a Comment