Muling nagabot ng mensahe si Kevin Mandrilla sa mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang kanyang mensahe ay tungkol sa pang-uunder estimate ng mga Duterte Supporters sa mga isinagawang rally para sa mga 'di sang-ayon sa pamamaraan ng pamumuno ni Duterte nitong nakaraang taon.
Saad din ni Kevin, palaging sinasabi daw ng mga Duterte Supporters na bayaran lang daw ang mga sumasali sa protesta at hindi alam kung ano ang ipinglalaban. Dagdag pa niya, ayaw daw harapin ng mga supporters ng Pangulo ang katotohanan na nagigising na ang sambayanan at tinatanggihan na ang nais gawin ng Administrasyon ni Duterte sa kanilang mga isipan.
Ito ang kabuuang post ni Kevin Mandrilla sa kanyang FB page:
Simula nung magprotesta ang mga tao laban sa gobyernong 'to last year, ang bukambibig ng mga Ka-DDS ay bayaran lang naman daw ang mga nasa rally at hindi alam ang pinaglalaban.
Gustong gusto nilang sabihin 'yan kasi umaayon ito sa kanilang naratibo na may "destabilization” kuno na pinamumunuan ng mga mayayamang “Dilawan". Essentially, gusto nilang tanggalan ng kredibilidad ang lahat ng kontra sa gobyerno.
Una, kung meron mang nag-destabilize sa bansang ‘to, baka lang naman ito ‘yung gobyernong na naging sanhi ng libu-libong patayan. Susuportahan niyo ‘yang palpak na war on drugs tapos magrereklamo kayo na pangit ang tingin sa’tin ng mundo ngayon, sabay sisi sa iba. Pero ‘yung bastos at sinungaling na presidente, bini-baby niyo — isang presidente na ang daming tinatago, mismong anak pa dawit sa drug trade. Of all possible crimes, doon pa talaga.
Pangalawa, kung iisipin mo lang, madaling masabi kung sino ang mas mukha at talagang bayaran. Sino ba ang mga supporters na mahilig mag-copy paste ng mga comments kung saan-saan para lang ihijack ang mga comment threads? Sino ba ang pumupunta sa rally ng naka-bus tapos pare-parehas ng mga placards? Nakakatawa nga kasi ‘yung ibang mga sasakyan at placards may mga pangalan pa ng mga pulitiko.
Pangatlo, gumigising na ang mga tao. Gumigising na sila hindi lang sa kamalian ng war on drugs at alyansang Duterte-Marcos, kung hindi pati na rin sa kababawan ng Duterte vs. Dilawan narrative. Sobrang gasgas na. Parang daing na ‘yan sa katuyuan. Pero alam ko hindi kayo maka-move on diyan kasi kapag nabasag ‘yan, para kayong mga jolen na nahulog sa lalagyan.
Ang simpleng katotohanan na ayaw niyong harapin ay hindi na ito tungkol sa mga dilaw, pula, o puti — tungkol na ito sa walang saysay na pagpatay sa libu-libong Pilipino; tungkol na ito sa hustisya at karapatan; at korny mang pakinggan, tungkol na rin ito sa hinaharap natin bilang isang lipunan.
Sa maraming debate na nakita ko, kapag natatalo na ang isang Ka-DDS, lagi kong naririnig ang (non) rebuttal na “So anong gusto niyo, ibalik ang LP?”
Nakakalungkot na ‘yan ang puno’t dulo ng lahat para sa maraming Ka-DDS. Okay lang na maraming mamatay basta hindi dilaw ang nakaupo — ganun lang ‘yun? Kahit na walang sense ito, sasagutin ko na rin - HINDI. Hindi namin specifically gustong bumalik ang LP. Ang gusto naming bumalik first and foremost ay katinuan. Gusto nating ibalik ang isang gobyernong nagiisip, at nirerespeto ang pampublikong opisinang hinahawakan nila. Gusto nating ibalik ang respeto sa buhay at karapatan, at gusto nating muling maging maayos na member ng international community.
Tanungin niyo sana kung kaya pa bang ibalik ni Duterte iyan. Pero hangga't wala 'yan, asahan niyong may lalaban.

No comments:
Post a Comment