Matapos maupo sa pwesto ang Pangulong Rodrigo Duterte, marami na sa mga adik, pusher at maging mga user ay nagbagong buhay, sumuko at nakiisa sa programa ng Pangulo- ang oplan tokhang.
Marami na sa bansa ang naitala na sumuko at nangakong hindi na muling magdodruga. Dahil hindi enough ang budget para sa programa, ganun din ang kakulangan para sa mga rehabilitation center kaya't nagpasya ang iilang parte ng bansa lalo na ang mga kapulisan na maglunsad ng programa upang lalong matutokan ang mga sumuko na at nais na magbagong buhay.
Inilunsad ang isang programa ng pamahalaan na pinangungunahan ng mga PNP. Isa na rito ang bayan ng Batangas kung saan marami na ang nakapagtapos sa SIPAG Program na ang ibig sabihin ay SIMULA ng PAG ASA Program. Ang SIPAG Program ay inilunsad para matutukan ang mga sumuko na nating kababayan na ninais magkaroon ng bagong buhay at muling makapagsimula bilang mga mamamayan na may malinis ng intensyon. Nagtapos ang 156 na mga dati umano'y mga sakit sa ulo at mga pasaway na mga adik ng San Jose, Batangas.
Malaking pasasalamat ng mga nabibilang sa programang ito sapagkat naramdaman nilang muli silang nabibilang sa kani-kanilang mga komunidad. Hindi lamang sila tinutulungan umano sa pag iwas sa druga, kundi maging ang kanilang ispiritwal na buhay na mas binigyang diin ng iilan sa mga gumradweyt ng programang ito.
Mataas naman umano ang tingin ng mga pulisya sa mga taong pinili ng magbago.
"Kami po sa PRD, ang tingin po namin sa inyo ay hindi po mga kriminal kundi mga biktima na dapat tulungan" , ani Director, PRD Calabarzon P/CSupt. Ma O Aplasca.
Inaasahan na rin ng PNP na marami pa ang gaggraduate ngayong taon na mga SIPAG surrenders. Simula na rin ito para sa mga sumuko bilang kaisa ng bayan.
Thanks for Nice and Informative Post. This article is really contains lot more information about This Topic. relationship tips
ReplyDelete