Napagtapos ni tatay Mileton ang kanyang anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng sigarilyo. Matanda na at mahaba na ang buhok ni tatay Mileton dahil ang perang kinikita nito ay pinapadala sa kanyang anak na noo'y nag aaral sa kolehiyo. Hindi na rin nagkaroon ng panahong magpagupit si tatay Mileton dahil ang lahat ng kanyang kinikita ay pinapadala nito sa anak na nag aaral at nagpupursigeng makapagtapos noon sa koliheyo.
Ipinagbubuntis pa lamang pala ang kanyang nag iisang anak na si Ar-ar ay ng maghiwalay sila ng kanyang asawa. Labing-anim na taon na ang nakakaraan ng huling nakauwi sa Zamboanga si tatay Mileton. Todo ang sakripisyo ni tatay, na nasa grade 1 pa lamang daw ang anak ay hindi pa niya ito nakitang muli.
"Hindi ako tulad ng iba dyan na umaga pa lang ay nag iinom na" ani tatay Meliton.
Pinangako naman nito sa anak niya na magpapagupit ito kapag naapagtapos na ito. Bihira ang katangiang ipinakita ni tatay Meliton para sa pagsasakripisyo nito upang mairaos niya ang anak at makapagtapos sa kanyang pag aaral.
Kahanga- hanga ang ipinakita ni tatay Meliton na dapat lamang tularan ng ibang mga Pilipino, higit sa lahat sa mga ama na katulad niya.
Saludo kami sa iyo tatay Meliton!
No comments:
Post a Comment