Hindi na nakapagpigil si dating ABS-CBN reporter at ngayo’y CGTN editor na si Ryan Edward Chua sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga transport groups kung kaya't nagbigay rin ito ng komento sa pahayag ng Pangulo.
Ayon kay Ryan Edward Chua, ginamit lang aniya ng Pangulo ang mga mahihirap noong 2016 elections upang manalo sa pagkapangulo at iprinisenta ang sarili bilang “pro-poor” dahil ito ang uso noong halalan.
Matatandaang binanatan kamakailan ni Pangulong Duterte ang mga transport groups hinggil sa plano nitong Jeepney modernization program.
Ayon kay Duterte, nais niyang sumunod ang mga transport groups sa kanyang programa hanggang sa deadline sa January 1, 2018 na dapat ay modernized na.
Dagdag pa ni Duterte, wala siyang pakialam kung magutom at maghirap ang mga ito.
“January 1, mag-modernize kayo. Mahirap kayo? Magtiis kayo sa hirap at gutom. Wala akong pakialam,” pahayag ni Duterte noong siya ay nasa Camarines Sur.
"Palagi ninyong sinasabi na kayo'y mahirap pero si Piston, (Kilusang) Mayo Uno at Bayan ay nakasakay sa inyo."
“January 1, pag nakita ko jeep niyo diyan, walang rehistro, guguyurin ko yan sa harap niyo,” dagdag pa ni Duterte.
Samantala, sinabi ng LTFRB na ang strike na ito ng Pangulo ay bahagyang nakakaapekto sa mga serbisyong transportasyon ng bansa.
No comments:
Post a Comment