Ang mga Pilipino ay nagsisimula nang makita ang liwanag, ayon kay Senador Antonio Trillanes IV matapos ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte ay bumaba sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).
“It’s very encouraging to know that the Filipino people are beginning to see the light,” sabi ni Trillanes sa isang pahayag.
“They are now seeing Duterte for who he really is: a lying, rude, amoral, corrupt and oppressive former mayor who is totally incompetent about governance at the national level,” giit pa ng Senador.
Ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nahulog sa "good" mula sa "very good" na rating niya noong Hunyo batay sa isang survey ng SWS na isinagawa mula Setyembre 23 hanggang 27.
Ayon sa third quarter survey na isinagawa mula Setyembre 23 hanggang 27, 67% ng mga Pilipino ang nasiyahan sa pamumuno ni Duterte (satisfied), habang 14% ang nag-aalinlangan (undecided), at 19% naman ang hindi nasisiyahan (dissatisfied).
Kumpara sa survey ng Hunyo 23 hanggang 26, ang bilang ng mga indi nasisiyahan ay tumaas mula sa 12 %, isang pagtaas ng pitong puntos. Ang bilang ng mga nag-aalinlangan ay umakyat din ng apat na puntos mula lamang sa 10 porsiyento noong Hunyo.
Si Trillanes, isa sa mga kritiko ng Duterte, ay nagsabi na ang madugong digmaan ng Pangulo kontra droga, na kung saan namatay ang libu-libong Pilipino "ay lumikha ng isang klima ng takot sa buong bansa."
Sinabi rin ni Trillanes na inaaasahan niya na maging mas malala pa ang mga susunod na survey sa Pangulo.
“To think that this survey was done just before the Ombudsman confirmed Duterte’s billion peso bank deposits, so the next survey results are expected to be worse,” ayon kay Trillanes.
No comments:
Post a Comment