Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pahayag ni Pangulong Duterte na dapat nang bansagan bilang mga "terorista" ang mga New People’s Army.
Peace talks sa CPP-NPA tuluyan nang TINULDUKAN ni Pangulong Duterte!
Sinabi rin ng Pangulo na maglalabas siya ng isang proclamation kung saan nakasaad na hindi na kikilalanin pa ng pamahalaan ang NPA bilang mga lehitimong rebelde.
Aniya, ngayon ay ikukundisera na silang mga kriminal.
Sa isang panayam, sinabi ni AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla na malinaw naman sa mga nakalipas na ginagawa ng NPA na suportado nito ang terorismo.
Kalimitan aniya ng mga krimen na ginagawa ng NPA ay naka-umang sa pamemerwisyo sa mga inosenteng sibilyan.
Dahil dito aniya, todo ang kanilang suporta sa kanilang Commander in-Chief kaugnay sa naturang usapin.
Bilang katunayan aniya, isa ang counter-terrorism sa magiging prayoridad ng bagong pinuno ng AFP na si General Ray Guerrero.
Pangunahing direktiba aniya ng AFP ay ang alisin ang kakayahan ng mga terorista na makapaghasik ng kaguluhan sa bansa.
No comments:
Post a Comment