BREAKING NEWS: Ex DDB Chairman, DIONISIO SANTIAGO itinangging nag-waldas ito ng PONDO NG GOBYERNO para sa biyahe sa ibang bansa! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Monday, November 20, 2017

BREAKING NEWS: Ex DDB Chairman, DIONISIO SANTIAGO itinangging nag-waldas ito ng PONDO NG GOBYERNO para sa biyahe sa ibang bansa!

Dangerous Drugs Board (DDB) Dionisio Santiago 

Pinabulaanan ng dating chairman ng Dangerous Drugs Board (DDB) na si Dionisio Santiago ang mga alegasyon sa kanya ng Palasyo na nagwaldas ito ng pondo ng gobyerno para sa biyahe nito sa ibang bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang Lunes na isa sa mga dahilan kaya pinagbitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating DDB Chairperson Dionisio Santiago ay dahil sa mga maluluhong biyahe nito sa ibang bansa.

Depensa ni Santiago, may maayos na travel authority ang mga kasama niya sa pulong na masusing pinili rin bago napabilang sa delegasyon.

Pinaratangan din si Santiago na tumanggap ng pera mula sa mga drug lord at bahay mula kay Reynaldo Parojinog Sr., ang napaslang na alkalde ng Ozamiz na iniuugnay sa droga.

Ayon pa kay Santiago, maaaring iba ang tinutukoy na "Santiago" na may kinalaman kay Parojinog.

Nilinaw din nito na wala siyang sama ng loob sa Pangulo, pero humirit na hindi karapat-dapat na tagapagsalita ng Pangulo si Roque.

Hindi aniya tinitiyak ni Roque kung totoo ang mga impormasyong natatanggap.

Una nang naiulat na pinaalis sa puwesto si Santiago dahil sa pahayag niyang “mistake” o pagkakamali ang pagtayo ng malaking drug rehabilitation center sa isang military camp sa Nueva Ecija.





No comments:

Post a Comment