Sumugod kahapon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang may 50 raliyista para muling iprotesta ang pagpapalibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Isang taon na kahapon na nakalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani at muling iginiit ng grupong “Block Marcos” ang kanilang pagtutol sa desisyong ito ng pamahalaan dahil hindi naman anila maituturing na bayani ito kundi isang diktador.
Pasado alas-nuwebe ng umaga nang sumugod ang grupo sa naturang lugar na may bitbit pang pala, ataul at banner sabay nagsagawa ng kilos-protesta.
“We mark this day (November 18) with a symbolic action to renew our call to unearth the dictator and all the remnants of tyranny that continue to haunt us until today. We relive the indignation we felt at the Marcoses’ callous desecration of our history and the memory of those who died fighting Marcos’ martial law,” pahayag ni Lorenzo Milky De Vera, tagapagsalita ng grupo.
Dati nang naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga anti-Marcos group para alisin ang labi ng dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani dahil hindi umano ito karapat-dapat sa nasabing lugar, subalit ibinasura ng pinakamataas na hukuman ang kanilang kahilingan.
No comments:
Post a Comment