Sa isang tarpaulin na
makikitang nakasabit sa Maynila na may nakasaad na pagbati na: "WELCOME to
the Philppines! ASEAN Delegates."
Kapansin-pansin na
kulang ng "i" ang Philippines.
Pinag-usapan sa social
media ang tarpaulin ng ASEAN Summit at inalis
na ang mga ito dahil hindi umano sumunod ang mga ito sa inaprubahang
panuntunan, ayon sa ASEAN 2017 National Organizing Committee (NOC).
"The exact
tarpaulins or billboards pinned in areas leading to the Mall of Asia Complex
did not conform to the approved final artwork," saad sa pahayag ng NOC na
binasa ni Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan sa isang
briefing sa ASEAN International Media Center sa Pasay City nitong Biyernes.
"We are currently
investigating the circumstances surrounding the distribution and display of the
subject tarpaulins or billboards," sabi pa ng opisyal.
Sa kabilang dako, inako
rin umano ng Department of the Interior and Local Government-National Capital
Region ang responsibilidad sa naturang posters na may maling baybay ng
Philippines.
No comments:
Post a Comment