Kilalang human rights
lawyer at kritiko ng gobyerno, at ngayon ay tagapagsalita na ang kongresistang
si Harry Roque ng isang gobyernong inaakusahan ng human rights violations.
15 taong nagturo ng
constitutional law at public international law sa University of the Philippines
College of Law si Roque bago ito mahalal sa Kongreso bilang kinatawan ng
Kabayan party-list.
Siya ang founder ng
"Centerlaw", isang human rights advocacy group na kauna-unahang
kumuwestiyon sa "Oplan Tokhang" ng gobyerno sa Korte Suprema at
naghain ng "petition for writ of amparo" para protektahan ang mga
taga-San Andres Bukid sa Maynila sa serye ng patayan.
Ikinagulat at
ikinadismaya naman ng kaniyang mga kasamahan sa human rights community ang
pagkakahirang niya bilang presidential spokesperson.
Hinimok na ng
international human rights groups na Bertha Justice Network na pag-isipang
mabuti ni Roque ang pagtanggap sa alok na maging spokesperson bago pa man opisyal
na ianunsiyo ng Pangulo.
Ayon sa ng pahayag ng
Bertha Justice Network: "... We strive to bring about a more just world
and human rights for all. This vision is incompatible with working for
Duterte,
who embodies everything we and our partners struggle against."
Gayunpaman, ipanaliwanag
naman ni Roque na hindi siya naniniwala na may nilalabag na human rights ang
Pangulo.
Ani nito, minsan nang
sinabi ng Pangulo na susuportahan niya lang ang mga pulis kung legal ang
engkuwentro nila sa mga kriminal, at kung hindi ay ipakukulong niya ang lumabag
na pulis.
Sa kabila nito, sinabi
naman ng Centerlaw sa isang pahayag na umaasa silang mananatili pa rin ang
paninidigan ni Roque na ipaglaban ang karapatang pantao.
Ayon sa Pahayag ng
Centerlaw: "As he undertakes a new and challenging endeavor as
presidential spokesperson, we trust that he will be imbued with the same
commitment to human rights as he has espoused in his years at Centerlaw."
Read more....
No comments:
Post a Comment