Nagbigay ng mensahe si Vice President Leni Robredo para sa Undas sa kanyang lingguhang palabas sa radyo.
BASAHIN:
MGA SUNDALONG BUMUGBOG SA SUMUKONG MAUTE, KAKASUHAN AT PAPARUSAHAN NA!
Nanawagan rin siya na mag-alay ng panalangin para sa mga namayapang mga sundalo, kabilang na ang mga nakipaglaban sa Marawi at sa iba pang bahagi ng ating bansa bilang pagpapakita ng kahalagahan ng kanilang mga sakripisyo alinsunod sa kanilang mga tungkulin upang mapanatiling ligtas ang mga tao.
“Tayo din po ay mag-alay sana ng dasal sa ating mga sundalo at kababayan na nag-alay ng buhay upang makamit ang kapayapaan sa Marawi.”
“Itong panahong ito, inaaalala natin iyong sakripisyong ibinigay nila para sa ating bayan. Hindi lang sila, pero sakripisyo din ng kanilang pamilya, dahil sa pakikipaglaban para sa ating kapayapaan.”
“Bilang isang sambayanan, gamitin po sana natin iyong pagkakataong ito para pasalamatan [sila] … Hindi lang sa Marawi. Marami tayong sundalo [na nakipaglaban] sa Basilan, sa Sulu, sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas… Gunitain po sana natin ngayong Undas iyong kanilang kabayanihan, hindi lamang po ngayong panahon ng ito, pero sa araw-araw na pagharap sa mapanghamong panahon natin ngayon,” pahayag ni Robredo.
No comments:
Post a Comment