Kasong usurpation labay kay PNOY, malabong magtagumpay ayon kay Pangulong Duterte - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 8, 2017

Kasong usurpation labay kay PNOY, malabong magtagumpay ayon kay Pangulong Duterte





Sinang-ayunan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ng kaniyang kritiko na si Sen. Antonio Trillanes IV tungkol sa kasong usurpation of authority na isinampa laban kay dating Pangulong Benigno Aquino III.




PNOY, kayang ipagtanggol at lusutan ang kasong isinampa laban sa kanya!


Nagsampa na kasi ang Office of the Ombudsman ng kaso laban kay Aquino dahil sa nabulilyasong operasyon sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na Special Action Forces commandos.



Ayon kasi sa Pangulo, hindi maaring magkaroon ng “usurpation” kung talaga namang trabaho ng Presidente ang kaniyang ginawa.

“You cannot usurp what is inherently your duty,” ayon kay Duterte.

Ani Duterte, ang Pangulo ay mayroong kapangyarihan na bantayan at kontrolin ang kaniyang mga subordinates, at maari din nitong baliktarin ang desisyon ng mga ito upang siya na ang kikilos.




May magandang punto naman aniya si Trillanes nang sabihin nito na magsisilbing “bad precedent” kung makakasuhan ang isang pangulo ng kasong kriminal dahil sa mga police o military operations.

Maaari kasing ibunton na lang lagi ang sisi sa Presidente sa tuwing mabubulilyaso ang mga misyon ng mga pwersa ng gobyerno.

Para kay Duterte, hindi magiging matagumpay ang kasong isinampa laban kay Aquino.

Matatandaang nag-ugat ang kasong ito nang konsultahin ni Aquino si Suspended Police chief Alan Purisima tungkol sa operasyon laban kay Zulkifli bin Hir alyas Marwan.

Source

No comments:

Post a Comment