Kayang umanong ipagtanggol at lusutan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang kasong isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan kaugnay sa Mamasapano incident noong 2015.
Kasong usurpation labay kay PNOY, malabong magtagumpay ayon kay Pangulong Duterte!
Buo rin aniya ang suporta ng Liberal Party (LP) sa laban ng dating pangulo.
Isinampa kahapon sa Sandiganbayan ang kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Article 177 ng Revised Penal Code o usurpation of official functions laban kay Aquino.
Inirekomenda ng Ombudsman ang piyansa na P10,000 para sa kasong usurpation of official functions at P30,000 naman sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Hindi naman ikinagulat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagsasampa ng kaso laban kay Aquino dahil bahagi lamang aniya ito ng proseso.
Ang pagsasampa aniya ng kaso ay resulta lamang ng nauna nang resolusyon na ipinalabas ng Ombudsman sa mga asuntong maaaring isampa laban kay Aquino dahil sa naging papel nito sa pagkasawi ng 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) sa Mamasapano, Maguindanao.
Source
No comments:
Post a Comment