Ilang araw mula ng magbigay ng pahayag si Presidential Spokesman Harry Roque laban sa mga kritiko ni Pangulong Duterte ay isa-isa namang naglitawan ang mga bumatikos rito.
“Asahan ninyo po na hindi tayo papayag na lapastanganin ang Presidente natin nang walang kasagutan, at bibigyan ko na ng notice ‘yung mga walanghiya na naninira lamang. Kung dati-rati eh hindi kayo nababato bagama’t kayo’y nambabato, ngayon po maghanda na kayo, dahil ‘pag kayo’y nambato hindi lang bato ang itatapon ko sa inyo, hollow blocks…so abangan niyo po ang mga adobe at hollow blocks na itatapon ko sa inyo,” matapang na pahayag ni Roque.
Basahin: Harry Roque, nangakong bibigyan ng NOTICE yung mga WALANG HIYANG NANINIRA sa Pangulo!
Isa na rito si Senador Antonio Trillanes IV, na kilalang kritiko ng Pangulo, ang bumanat kay Roque sa naging pahayag nito.
“Ito si Cong. Roque, nasama lang kay Duterte, bigla na lang parang nasapian ng masamang espiritu,” ani Trillanes.
Binalaan din ni Trillanes si Roque,
“He shouldn’t burn too many bridges because Duterte might not stay there for long,” giit ni Trillanes.
Ang banat na ito ni Trillanes ay may kinalaman sa pahayag ni Roque na babatuhin niya ng hollow blocks ang mga maghahagis ng bato kay Duterte.
Samantala, ani Trillanes ay magpapatuloy parin ang pagbatikos niya sa mga maling gawain ng administrasyong Duterte.
No comments:
Post a Comment