Bumilib ang isang Diplomatic Expert mula sa Turkey na si Serdar Kara Goz sa kanyang naobserbahan na unti-unting lumilikha ng positibo at magandang imahe ang Pilipinas sa international community sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Kara Goz, kahanga-hanga ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas dahil umano sa kakaibang istilo ng pamumuno ni Pangulong Duterte na siyang dahilan kung bakit muling nakikilala ang Pilipinas sa international community.
“When I check international area, I see Philippines very dynamic and very active in economy. So the image is very positive for me,” pahayag ni Kara Goz.
“There will be another eastern miracle and it will be the Philippines” dagdag pa nito.
Ayon sa kanya, isa pang dahilan nito ay ang puspusang kampaniya ng administrasyong Duterte kontra sa ilegal na droga at iba pang mga krimen na pangunahing pinupuna ng mga kritiko kabilang na ang ilang lokal at international media.
Pero sa kabila ng mga batikos ay kumpiyansa si Kara Goz na mas malaki parin ang suporta ng mamamayang Pilipino sa mga polisiya ng Pangulo na taliwas sa nirereport ng ilang media.
“Some international media outlets sometimes describe Philippines is not a good country. This kind of international media is not doing well, your country is very beautiful,” paliwanag ng Diplomatic expert.
Ayon naman sa ilang Pilipinong nakabase sa Turkey, mas tumaas ang kanilang moral dahil sa mga ipinapatupad na reporma ni Panguong Duterte sa Pilipinas.
Panoorin ang kabuuang ulat dito
No comments:
Post a Comment