Ikinainis ng Pangulo ang mga pabalik-balik na mga kliyenteng magpapapirma sana ngunit wala ang mga ito sa kanilang mga opisina kaya't kakailanganin nilang bumalik ulit sa susunod na mga araw.
Ayon sa Pangulo, hindi niya hahayaang makahadlang ang pakikipagkaibigan sa sinoman sa kanyang kampanya kontra katiwalian at sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino.
Ito ay pareho sa binitawang salita ni dating Pangulong Joseph Estrada na "walang kaibigan at walang kumpare" pagdating sa korapsiyon.
“We are all friends. I don’t have a problem with that. But when it comes to government interest, let us forget our friendship for a moment,” ayon sa Pangulo.
Photo Source: Rappler
Dagdag pa ng Pangulo, ang pagbiyahe sa napakababaw na dahilan ay isang uri ng katiwalian.
Bagamat hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga nasabing opisyal a tiniyak nitong hindi mag-aatubiling sila ay sibakin sa kanilang mga pwesto.
No comments:
Post a Comment