Sinabi ni Chief Inspector Alladin Fabros, ang Chief poilce ng Dolores na nitong lunes lang ay nasa 15 na armadong kalalakihan ang sumugod at tinakot ang tatlong walang armas na mga caretaker ng warehouse na siyang pag aari ng gobyerno.
Ang warehouse ay naglalaman ng mga relief goods at pinangangalagaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakakuha ang mga suspek ng 20 sako ng bigas at hindi nakikilalang mga kahon ng de-latang pagkain, mga instant noodles, de-boteng tubig, instant coffee, at iba pang personal na supply.
Ang mga suspek ay iniulat na tumakas gamit ang elf truck na pagmamay-ari ng pamahalaan.
Sinabi ng pulisya noong Martes ay narecover nila ang sasakyan sa isang malayong lugar sa labas ng barangay.
Ang mga nanakaw na relief goods ay ilalaan sana para sa mga biktima ng bagyong Urduja.
No comments:
Post a Comment