Para kay Committee on
public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson, walang saysay na magdeklara
pa ang gobyerno ng SOMO o Suspension of Military Operations sa Communist Party
of the Philippines – New People’s army o CPP NPA.
Ipinunto ni Lacson, na
bagamat hinihintay pa ang opisyal na deklarasyon mula sa Korte sa pagturing sa
Communist Party of the Philippines, ang New People’s Army at ang National
Democratic Front (CPP-NPA-NDF) bilang grupo ng mga terorista, wala na umanong
kabuluhan pa ang pagpo-proklama ng SOMO.
Ayon kay Lacson, hindi
na kailangan ang deklarasyon ng SOMO o tigil putukan sa komunistang grupo dahil
idineklara na itong terorista ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang tinutukoy ni Lacson
ay ang proclamation number 374 na inilabas ni Pangulong Duterte na nagdedeklara
sa CPP at sa armed wing nitong NPA bilang terrorist organizations.
Matatandaang sa diwa ng
Kapaskuhan karaniwang nagdedeklara ng SOMO ang pamahalaan sa CPP – NPA na
tinutugunan naman ng ceasefire o tigil putukan ng rebeldeng grupo.
No comments:
Post a Comment