Inatasan ni Pangulong
Rodrigo Duterte ang mga pulis at mga sundalo na pulbusin na at tapusin ang
New People’s Army o NPA.
Ayon sa Pangulo, wala talagang saysay para makipagusap pa sa mga ito at sa katunayan ay sinabi pa ng pangulo na sick and tired na siya sa pakikipagusap sa NPA.
Samantala, ang panawagan ay ginawa
ng Commander in Chief kasabay ng ginawa nitong pagkundena laban sa NPA dahil sa
ginawa nitong pananambang sa tropa ng Philippine Army na nagsasagawa ng
humanitarian assistance sa mga biktima ng bagyong Urduja sa bayan ng Catubig,
Samar.
Kinilala ang dalawang
nasugatang sundalo sa NPA attack na sina Corporal Yzazel Laure at PFC Ronald
Gomez, kapwa miyembro ng 20th Infantry Battalion ng Philippine Army.
Sa katunayan, matatandaang sinabi ng Malacañang na hindi magdedeklara ng suspension of military operations ang gobyerno laban sa NPA upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na magpalakas at umatake sa tropa ng pamahalaan.
No comments:
Post a Comment