HUWAG IBOTO ang mga SENADOR na AYAW ng FEDERALISMO! ayon kay ALVAREZ - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, January 18, 2018

HUWAG IBOTO ang mga SENADOR na AYAW ng FEDERALISMO! ayon kay ALVAREZ





Nagsabi si Speaker Pantaleon Alvarez noong Huwebes na huwag iboto ang mga senador na hindi sumusuporta sa federalism dahil nagpapakita lamang ito na tutol rin sila sa mga benepisyong maaaring makuha mula sa bagong porma ng pamahalaan.

Sa isang press conference sa Iloilo City, sinabi ni Alvarez na ang pederalismo ay isa sa mga isyung haharapin ng mga Senador na tatakbo sa darating na halalan.




Ang administasyong Duterte ay patuloy na gumagawa ng paraan upang mapalitan ng pederalismo ang porma ng pamahalaan sapagkat ito ang itinuturing na paraan upang matugunan ang ibat ibang mga isyu lalo na sa pagkamit ng kapayapaan sa kaguluhan sa Mindanao.



"Kaya tandaan niyo, yung mga senador na ayaw ng federalism, ibig sabihin, ayaw nilang umasenso yung mga probinsya at saka mga regions," ani Alvarez.

"Huwag niyong iboto yan," dagdag pa niya.
"Basta kami [sa House] tuloy-tuloy lang kami sa trabaho namin dito. We will satisfy the three-fourths of all the members na requirement ng ating Saligang Batas," ayon sa kanya sa isang radio interview noong Miyerkules.




"Tuloy-tuloy lang po kami dito tutal meron namang Supreme Court para magdesisyon kung tama kami o mali," giit niya.




No comments:

Post a Comment