Hinamon ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes na mag-file ng impeachment complaint kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos pinatawan ng 90 days preventive suspension kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang.
Isiniwalat kasi ni Carandang ang umano'y bank account ng Pangulo na hindi otorisado ng Anti Money Laundering Council o Anti Money Laundering Council
Go ahead!, ani Harry Roque.
Nanindigan naman ang spokesperson na may kapangyarihan umano ang Pangulo na suspendihin ang Deputy Ombudsman.
Base sa 2014 decision ng Korte Suprema sa kaso ni Deputy Ombudsman Gonzales laban sa Office of the President ay pinawawalang bisa nito ang paragraph 2 section 8 ng RA 6770 na nagsasaad na maaaring tanggalin ng Pangulo ang Deputy Ombudsman.
No comments:
Post a Comment