May mensahe ang aktor na si Pen Medina kaugnay sa patuloy na pangungurakot ng mga pulitiko sa kaban ng bayan.
Basahin ang buong Facebook post ni Medina:
PARA PO ITO SA MGA MAHAL KONG KABABAYAN (PATI PO MGA TROLLS) NA NAGMURA SA AKIN AT TUMAWAG SA AKIN NG GAGO, INUTIL, SIRA-ULO, ULOL, TANGA, ULYANIN, ADIK, BULAG, DILAWAN, BUWANG, BUGOK, BAYARAN, ETC. PERO TOTOO PONG UMAASA SA TUNAY NA PAGBABAGO.
Para na rin ito sa mga Yellowtards, Marcotards, Kung Anu-anotards, at sa mga komportable o masarap na ang buhay at walang pakialam at nagsasawalang-kibo sa tunay na nangyayari sa ating bansa (Class A, B, C) pati na po ang mga kasama ko sa industriyang pinapayaman ng mga karaniwang mamamayan na ang nakakarami ay naghihirap (Class D at E):
Para na rin ito sa mga Yellowtards, Marcotards, Kung Anu-anotards, at sa mga komportable o masarap na ang buhay at walang pakialam at nagsasawalang-kibo sa tunay na nangyayari sa ating bansa (Class A, B, C) pati na po ang mga kasama ko sa industriyang pinapayaman ng mga karaniwang mamamayan na ang nakakarami ay naghihirap (Class D at E):
(Kadugtong po ito ng usapan namin sa FB ng isang tunay na umaasa rin kagaya ninyo.)
“Tama ka. Huwag mag-anak kung hindi kaya para hindi maging pasanin sa gobyerno at sa ibang tao. Ang problema, tinututulan ng ilang lider ng mga relihiyon, lalo na ng simbahang Katoliko, at pro-life na politiko ang mga paraan para hindi magkaanak ang mga hindi makapagpigil sa panggigigil. Saludo ako sa iyo, napagtapos mo ang iyong mga anak sa sariling pagsisikap.
Pero kung matino ang ating mga politiko, hindi na natin poproblemahin ang pag-aaral, pagpapatapos sa ating mga anak, ang pagpapaospital etc. Sagot na dapat ng gobyerno ang mga iyan, gaya sa ibang mulat na bansa (sa iba, pati disenteng pabahay sa mga walang tirahan) kung saan ginagamit sa tama ng mga politiko nila ang mga buwis na kinokolekta nila sa taumbayan.
Hindi nila kinukurakot ang milyon-milyon at ipinanlilimos ang barya sa mga mahihirap, na pinalalabas nilang sa kanila galing, kagaya ng ginagawa dito ng mga politiko natin, mula sa panahon ni Marcos, Cory, Ramos, Erap, Gloria, Noynoy hanggang kay Duterte. Mga BUWIS, PERA NATING LAHAT NA IPINAGKATIWALA NATIN SA KANILA, kasama ang bilyong kontribusiyon ng mga nagsasakripisyong OFW’s natin, para gamitin sa kapakanan ng lahat, lalo na ng MGA MAHIHIRAP NA KINUKUHANAN DIN NG BUWIS — KAHIT HINDI SILA NAGBABAYAD SA BIR.
Kasi pag may binili ka (tinapay, sardinas, softdrinks, gin, beer, sigarilyo, damit, sapatos, laruan, atb.) sumakay ka ng pampasaherong sasakyan o dumaan ka sa mga tollgates, kahit pasahero ka lang, binabawi sa pinambili mo o pamasahe mo ang pambayad ng buwis ng may-ari ng pabrika, kompanya ng produkto o sasakyan at iba pa.
LAHAT TAYO KINUKUHANAN NG BUWIS NG PAMAHALAAN, kung saan kinukuha pati pambayad sa mga inuutang ng gobyerno sa ibang bansa, kagaya ngayon sa China. Mga utang na dahil malalaki, pati mga anak at mga apo natin malamang magbabayad pa. Ni hindi pa nga tayo tapos sa pagbabayad sa mga inutang ni Marcos.
Nakikita natin ngayon, habang patuloy ang EJK, wala ring tigil ang mga nabibistong tao ni Duterte na nagnanakaw ng mga buwis, ng pera nating lahat, na ipinagkatiwala natin sa kanila na ating mga “public servants” (Pati si Duterte, inaakusahan ngayong may tagong yaman, bakit ayaw pumirma ng waiver para patunayang malinis siya?).
Kapag nagsalita ka o pumuna sa mga ginagawa nila, na dapat lang dahil taumbayan ang ‘soberenya’, ang dapat tunay na makapangyarihan, ang dapat kinukunsulta at pinapakinggan ng mga politiko, ang nagpapasuweldo sa kanila para mamahala ng tama —- pagwawalang bahala o panlilihis o pambubully at pananakot ang kanilang isinasagot.
Kapag hindi natigil ang ganitong kalakaran, ang barkadahan ng mga nagsasamantalang politiko at mayayamang negosyante at hindi nagkakaisa ang sambayanan (Dutertards, Yellowtards, Marcotards,atbp,) at hindi tayo laging nagbabantay sa kanila at nagpaparinig ng ating mga boses, WALANG MAGIGING TUNAY NA PAGBABAGO. NGANGA TAYO LAGI. Maraming Salamat.”
No comments:
Post a Comment