Minority Senators, nanawagang palayain na si De Lima sa kanyang unang taon sa kulungan! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Thursday, February 22, 2018

Minority Senators, nanawagang palayain na si De Lima sa kanyang unang taon sa kulungan!




Naghain ng resolusyon ang mga opposition senators na pirmado nina Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Senator Francis Pangilinan, Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, at Risa Hontiveros na naglalayong palayain si Senator Leila de Lima. Sa resolusyon, nakasulat ang katagang #FreeLeilaNow.

Sa paggunita ng ika-isang taon ng pagkakakulong ni De Lima sa Sabado, Feb 24, sinabi ng mga kapwa niya senador na masakit isipin na sa halip na nagtatrabaho at nagsisilbi sa bayan ang Senadora ay nakakulong ito dahil sa umano'y gawa-gawa lamang na mga akusasyon.

Malinaw umano na gumaganti lamang si Pangulong Duterte sa senadora dahil sa pag-iimbestiga nito noon sa mga extrajudicial killings ng Davao death squad noong si De Lima pa ang chairperson ng Commission on Human Rights.

Dagdag pa ng mga senador, dumadami na ang mga organisasyon at human rights advocates na nananawagan na palayain na si de Lima kabilang na dyan ang March 2017 resolution European Parliament at ang Geneva-based Inter-Parliamentary Union




No comments:

Post a Comment