CARDINAL TAGLE: WAG KAPIT TUKO SA PWESTO! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, March 31, 2018

CARDINAL TAGLE: WAG KAPIT TUKO SA PWESTO!




Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mamamayan na maglingkod kagaya ni Hesus na nag-alay ng kanyang buhay para sa sanlibutan.


Photo Source: Manila Bulletin

Ginawa ang pahayag nito noong Evening Mass of the Lord's Supper sa Manila Cathedral, Intramuros Manila kung saan isinagawa ang tradisyonal na "Washing of the feet."





“Alam ko kapag ikaw ay nasa taas na, ayaw mo nang lumisan. Lahat gagawin mo para manatili na dyan.


Pero si Hesus hindi, kasi ang mundo natin ngayon sanay na sanay sa ganun eh.       
                                                                                                    Mukhang umaalis sa matayog na posisyon, pero sa bandang huli kapit-tuko, ayaw lumisan, hindi ganyan si Hesus," ani Tagle.

Sa mismong misa rin hinugasan at hinalikan ni Tagle ang paa ng 12 indibidwal bilang paggunita sa kanilang tradisyon. 






Ang tradisyunal na ‘Washing of the Feet’ ay isang seremonya na isinasagawa taon-taon tuwing Huwebes Santo bilang pag-alala sa kababaang loob at paglilingkod ng Panginoong Hesukristo na naghugas din ng mga paa ng kanyang mga alagad.

Kasama ang mga magulang ng namatay na Pinay OFW na si Joanna Demafelis at paring nabihag ng Maute Terror Group na si Fr. Chito Suganob sa hinugasan ng paa ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, kahapon, Huwebes Santo.



Bukod dito, kasama rin sa mga hinugasan ng paa sa Cathedral-Basilica of the Immaculate Conception sa Maynila ay ang mga taong narelocate, mga lumad leaders, mga miyembro ng Philippine Navy at mga banyagang sa Pilipinas nagtungo dahil sa ‘religious persecution’ at iba pa.

Noong nakaraang taon rin ay hinugasan ng paa ni Cardinal Tagle ang mga dating gumagamit ng iligal na droga at ilang miyembro ng pulisya bilang tanda ng kapayapaan sa kasagsagan ng libu-libong namamatay sa war on drugs ng pamahalaan.

Panuorin ang video dito.







No comments:

Post a Comment