Hiling ng kampo ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na ibasura na ng Korte Suprema ang quo warranto petition na isinampa ng Office of the Solicitor General laban sa mahistrado.
Ito ang kanilang naging hinaing matapos ihain ng OSG sa Korte Suprema ang petisyon na layong patalsikin si Sereno sa pwesto.
Sa isang statement, iginiit ng panig ni Sereno na walang ligal na batayan sa Konstitusyon ang quo warranto petition at hindi rin ito aniya isang proper remedy sa naturang usapin.
Sa ilalim ng 1987 Constitution, tanging sa pamamagitan lamang ng impeachment na isasagawa sa Kamara at ‘conviction’ ng Senado na uupo bilang impeachment court maaring maalis sa puwesto ang isang Chief Justice.
Samantala, naniniwala ang kampo ni Sereno na ang ginagawa ng SolGen ay bahagi pa rin ng ‘grand plan’ upang puwersahin ang Chief Justice na magbitiw sa puwesto bagay na pinabulaanan na hinding-hindi gagawin ng Punong Mahistrado.
No comments:
Post a Comment