Bumili ng limang kilo ng NFA rice si Senator "Bam" Aquino IV at ibinigay ito sa mga mahihirap na pamilya sa Baseco compound sa Tondo, Manila. Ang Liberal Party (LP) ay bumisita sa lugar noong Martes, Abril 3, at pinasuri ang kasalukuyang mga presyo ng bigas na nadagdagan dahil sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
“Nagulat nga po ako, kasi sa dami-dami ng tindahan dito sa amin, sa akin pa naisipang bumili ng bigas si Sen. Bam Aquino,” ayon sa sari-sari store owner na nagpakilala bilang si Eloisa na idinagdag pa na mabait ang senador.
"Lalong tataas ang presyo ng bigas ngayong ubos na ang stock ng NFA Rice. Hinahayaan lang ng NFA na lumaki ang problema na dulot ng kanilang kapalpakan. Dapat lang na palitan na ang NFA administrator at magtakda ng bagong pinuno na may kakayahang solusyunan ito," pahayag ni Bam sa kanyang Facebook page.
Binatikos rin ni Sen. Bam Aquino ang administrasyong Duterte sa mga inaasahang negatibong epekto ng TRAIN law lalo na sa mga pamilyang mahihirap. Binigyang-diin rin ng Senador na ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay nakakatakot kung kaya't dapat tiyakin ng Kongreso ang tunay at aktwal na epekto ng TRAIN law sa ekonomiya ng bansa.
No comments:
Post a Comment