CBCP President Valles, BINALAAN ang mga OBISPO, PARI at MADRE na 'wag MAKIPAG-UGNAYAN sa mga POLITIKO! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, April 7, 2018

CBCP President Valles, BINALAAN ang mga OBISPO, PARI at MADRE na 'wag MAKIPAG-UGNAYAN sa mga POLITIKO!




Nagbabala ang Pangulo ng Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) at Davao Archbishop na si Romulo Valles noong Lunes, Abril 2 sa lahat ng mga obispo, pari at madre sa Pilipinas na huwag makipag-ugnayan sa kahit na sino mang pulitiko. Si Valles ang pumalit kay Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas noong Disyembre 2017 bilang Pangulo ng CBCP.


PHOTO SOURCE: http://philnewscourier.blogspot.com

“While it is our duty as servants of God to bring peace and harmony among the people, it should be done without hearing one side only. We must not let ourselves be involved in one particular group or individual, but rather be sensible to the real issues. Allowing us to be used will only divide our nation, instead of uniting it,”
ani Valles.





“We have made mistakes before, and we should choose not to repeat them again. Let the past be a lesson for us. Let our voice be heard by the people, not only by the few. Let us reach out to the poor, not to the oligarch. Let us not listen to the whisper of the pretentious, but to the scream of the truth. Otherwise, leave the Church,” dagdag pa niya. 




Si Valles, na kilala bilang isang malapit na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbigay ng kanyang matapang na babala ilang sandali matapos magsalita si Vice President Leni Robredo sa isang mass sa St. Scholastica's College, Manila. Ang nasabing misa ay nakatuon sa laban ni Robredo kontra sa protesta ni dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. para sa nakaraang halalan.




Nagsimula ang recount ng manu-manong boto sa araw na iyon, kasama ang Korte Suprema (SC) na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET). Sa kanyang pagsasalita, sinabi ni VP Robredo sa kanyang mga tagasuporta na huwag matakot dahil sila ay "nakikipaglaban para sa katotohanan." Sinamahan siya ng kanyang abugado na si Romulo Macalintal na nanumpa na isusuko ang kanyang lisensya ng pagka-abogado kung manalo si Marcos ng kanyang protesta.




Ang naturang misa ay isinagawa ni Father Ted Gonzales, samantalang ang aktibistang pari na si Robert Reyes, at aktibistang madre na dating St Scholastica's College president na si Sister Mary John Mananzan ay nakita ding sumusuporta kay VP Robredo. Sa kabilang banda, si Bongbong Marcos, kasama ang kanyang kapatid na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa araw na iyon ay pumunta sa tanggapan ng SC.  



No comments:

Post a Comment