FRANKLIN DRILON: AYAW ng BAYAN sa FEDERALISM, HUWAG IPILIT! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Saturday, May 5, 2018

FRANKLIN DRILON: AYAW ng BAYAN sa FEDERALISM, HUWAG IPILIT!






Pinatitigil na ni Senate minority leader Franklin Drilon ang Malacañang sa pagpapaamyenda sa Konstitusyon para sa federalism.

Klaro na umano na ayaw ng mayorya ng taumbayan sa federalism batay sa resulta ng survey ng Pulse Asia.

Ayon sa nasabing survey na isinagawa noong Marso 23 hanggang 28, tinukoy na ayaw ng 64 porsiyento ng mga Filipino na amyendahan ang 1987 Constitution habang 66 porsiyento ay hindi sang-ayon na gawing federal ang gobyerno.



“The survey must serve as a wake-up call for the administration and the proponents of federalism in Congress that what the people want is a real solution to the problems that confront them daily,” sabi ni Drilon.

Kung ngayon isasalang sa plebesito ang pagbabago sa Konstitusyon, tiyak umanong matatalo.

“If we were to submit the Charter change to the people for ratification today, it only means people won’t ratify it and Charter change is dead,” ani Drilon.



Iminungkahi na atupagin na lang ng Malacañang at mga kaalyado nito ang mga panukalang batas ukol sa paglaban sa kahirapan, gutom, unemployment at krimen.

Atupagin na rin aniya ang End of Endo Bill kaysa ang pagpapabago sa Konstitusyon.








No comments:

Post a Comment