De Lima, idiniing hindi solusyon ang DEATH PENALTY sa mga KRIMINAL! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, October 10, 2018

De Lima, idiniing hindi solusyon ang DEATH PENALTY sa mga KRIMINAL!




Sa World Day Against Death Penalty, nanawagan si Senador Leila De Lima para sa isang panibagong kampanya laban sa isinusulong na pagpapataw ng parusang kamatayan sa Pilipinas.

"Today, I join fellow human rights defenders and the global community in renewing and sustaining the campaign against the death penalty,” ayon sa pahayag ni De Lima noong miyerkules.








Binigyang-diin ng Senadora na ang isang "fully functioning justice system" ng isang bansa ang siyang nagpapapigil sa mga gawaing kriminal at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan.

"What deters and resolves crimes rather is a well-oiled and thoroughly functioning criminal justice system, one that ensures swift and certain accountability for the crimes committed and the imposition of commensurate penalties to the wrongdoers,” ani De Lima





Pinaalala din ni De Lima na ang karapatang mabuhay o right to life ang pinaka-importante sa lahat ng karapatan na kanyang inilarawan bilang “inherent, inalienable, universal and non-derogable.”




"It is a right that belongs to us all regardless of race, color, sex, gender identity and expression, religion, political or other opinion, national or social origin, birth or other statuses,” ayon kay De Lima.





Ayon kay De Lima, bilang tagapagtanggol at tagagawa ng karapatang pantao, itinutulak niya ang parusang reclusion perpetua sa batas kriminal upang matiyak umano ang katarungan sa halip na parusang kamatayan.

"I was pushing for the introduction into Philippine criminal laws the penalty of qualified reclusion perpetua, to ensure that, even in extraordinarily heinous crimes, our policy direction looks at restorative justice over punitive or retributive measures, while equally aware and conscious of the need to bring to justice perpetrators of the most egregious offenses,” dagdag pa ng Senadora.








Pinangalanan rin ng Senadora ang ilang mga institusyon na kontra sa isinusulong na death penalty na siyang pumo protekta sa karapatang pantao.

Ilan sa mga ito ay ang European Union's High Representative for Foreign Affairs and Security Policy, the Secretary General of the Council of Europe, the Organization of America States at ang Inter-American Commission on Human Rights.




"These firm and unequivocal efforts to move away from the death penalty are the outcome of rights-based developments in law and in science that point to the flaw in the typical argument that the imposition of death penalty is a key deterrent to the commission of heinous crimes,” aniya.



No comments:

Post a Comment