Matagal na sanang napakinabangan ng mga mananakay ang mga bagon
na binili ng nakaraang administrasyon sa China kung hindi lang ito pinolitika
ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at ni Senador Grace Poe.
Ito ang sinabi ni dating Presidential Spokesperson na si Edwin
Lacierda matapos mabalitaan na pumasada na noong Sabado ang unang set ng mga
bagon na binili sa Dalian Locomotive and Rolling Stock Company of China.
Umabot sa 48 Dalian train ang binili ng administrasyong Aquino
sa halagang P3.7 bilyon at nai-deliver itong lahat pagsapit ng 2017.
Subalit dahil sa pahayag ng mga opisyal ng DOTr na palpak ang
mga biniling tren sa China, hindi ito mapakinabangan kung kaya’t inimbestigahan
ito ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Grace Poe.
“Dalian trains should
have been running two years ago. (Secretary Arthur) Tugade & DOTr even
filed a case. But an Audit report found nothing wrong,” tweet ni Lacierda.
“Senator Poe insisted they
were overweight even if a foreign expert said they weren’t. Trains were good to
go but politics reared its ugly head,” dagdag pa niya.
No comments:
Post a Comment