Mocha Uson, NIRESBAKAN sina Trillanes at Hontiveros! - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Sunday, October 7, 2018

Mocha Uson, NIRESBAKAN sina Trillanes at Hontiveros!





Matatandaang kamailan ay nagbitiw sa pwesto si Mocha Uson bilang secretary ng Presidential Communications Operations Office o (PCOO) na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga oposisyon.




Una dito ay si Senador Risa Hontiveros na nagsabing hindi umano siya napabilib sa pagbibitiw ni Uson.

Ayon sa Senadora, huli na ang lahat dahil malaking danyos na ang nagawa niya sa kanyang dalawang taong paninilbihan at marami nang fake news ang naipunla nito sa publiko.





The damage has already been done. She has not only successfully planted the seeds of untruth inside the government, she has made sure it bore fruit to sow confusion and poison the public’s mind,” ani Hontiveros.

“It has come very late in response to the public’s demand for accountability. Aanhin pa ang resignasyon kung nalulunod na ang bansa sa baha ng fake news ni Ms. Uson?” dagdag pa niya.

Rumesbak naman si Uson sa pahayag na ito ng Senadora at sinabing pagtuunan na lamang niya ng pansin ang bintang sakanya sa nawawalang P1.7 billion PhilHealth funds at ang isinampang kaso sakanya na kaugnay sa anti-wiretapping law.



“Opinyon niya yun. Ang akin lang eh pagtuunan niya ng pansin yung anomalya sa P1.7 billion PhilHealth fund, dapat po niyang harapin yung kasong isinampa sa kanya doon sa anti-wiretapping law at yung kidnapping dahil mga serious allegations,” ani Mocha.

Dagdag pa ni Uson, huwag gamitin ng senadora ang kanyang posisyon upang magtago bagkus harapin niya ang mga ito.




Nagkomento rin si Senador Antonio Trillanes sa pagbibitiw ni Mocha. Sa naging pahayag ng Senador sa kanyang interview sa News to Go, sinabi ng Senador na isa itong welcome development.



"That is a welcome development kasi marami na tayong kababayan na nagrereklamo sa approach ni Asec Mocha sa paghahatid ng mensahe ng Duterte administration," ani Trillanes.

Banat ni Uson, harapin na lamang ng Senador ang seryosong isyu ng rebelyon at kudeta laban sakanya.









No comments:

Post a Comment