Hinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang kongresista ng unang distrito ng Davao City ang kanyang anak na si dating Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte dahil sa labis umano itong pinahiya ni Senador Antonio Trillanes IV. Oras na makaupo si Pulong bilang Davao congressman, magkakaroon ito ng pagkakataon na makasama sa Kongreso si Trillanes na tatakbo umano bilang party-list representative ng Magdalo.
Nauna nang sinabi ni Trillanes na gusto muna niyang magretiro sa politika upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang kasapi ng Magdalo.
“People are being shamed there and that’s why my son who resigned as vice mayor in disgust noon pinatawag siya. Now he is running for congressman. Di ko na mapigilan, pinahiya mo yung tao,” diin ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 44th Business Conference and Expo na ginanap sa Manila Hotel.
“Ngayon magsama-sama na sila diyan kung manalo sila, ah bakbayan yan."
I cannot stop because he is already old,”dagdag pa ng Pangulo.
Malalim aniya ang idinulot na pamamahiya ni Trillanes sa mga ipinapatawag sa Senado pero wala namang nangyari maliban sa witch-hunting at ipahiya sa publiko ang mga pinaparatangan nito.
Noong Setyembre 2017, humarap si Paolo sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee matapos siyang idawit ni Trillanes sa P6.4 bilyong shabu smuggling sa Bureau of Customs (BOC).
Nagpaliwanag din ang Pangulo na hindi niya gustong gumawa ng political dynasty ang kanyang pamilya sa pagtakbo ng tatlo niyang anak sa darating na halalan.
Ang anak ng Pangulo na si Sara Duterte-Carpio ay tatakbo ng reeleksyon bilang Mayor ng Davao City, kung saan running mate niya ang kapatid na si Sebastian ‘Baste’ Duterte.
No comments:
Post a Comment