Nakatuon ngayon ang pansin ni Vice Preisdent Leni Robredo sa kanyang Angat Buhay Program kung saan ang pangunahing layunin ay ang pagbibigay ng tulong sa mahihirap.
Pangunahing Anti-Poverty Program ng VP ang Angat Buhay na inulunsad noong nakaraang taon kasama ang mga pribadong sektor at mga non governmental organizations.
Kamkailan lang ay nadagdagang muli ang grupo ng mga NGOs o Non-Government Organization tulad ng Talete King Panyulung Kapampangan Foundation Inc. (TPKI) na nakabase sa siyudad ng San Fernando na inaasahang katuwang niya sa inilunsad na programa.
Ayon kay Robredo ang ginagawa ng TPKI ay tugma sa mga isinusulong na programa ng kanyang tanggapan.
“I took the opportunity to invite them to partner with us sa Angat Buhay. Iyong Angat Buhay is the core advocacy program of our office. It’s an anti-poverty program na mayroong six key advocacy areas nutrition and food security, universal healthcare, public education, women empowerment, rural development, saka housing and resettlement,” ayon kay Robredo.
Layunin pa rin ng Angat Buhay na itapat ito sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ng gobyerno.
Dahil kapos sa budget, iniuugnay na lang nito bilang mediator ang mga private companies at non-governmental organizations (NGOs) sa local government units (LGUs) para magkaloob ng tulong sa nangangailangang pamilya.
No comments:
Post a Comment