Bro. Eddie Villanueva, pinasaringan si Duterte sa nangyayaring Extrajudicial Killings (EJK) sa bansa - KNOWLEDGE POWER PH

Breaking

Special Offers

Wednesday, November 1, 2017

Bro. Eddie Villanueva, pinasaringan si Duterte sa nangyayaring Extrajudicial Killings (EJK) sa bansa




Nagpahayag ng pagkondena si Bro. Eddie Villanueva sa  39th anniversary ng JIL nitong Biyernes sa mga nangyayaring extrajudicial killings (EJK) sa bansa na kagagawan aniya ng mga ‘scalawags’ sa gobyerno.


“Granting without us believing it is all vigilantes, where are they? Nakasuhan ba? Hinabol ba ng pamahalaan? Ano ba talaga ang ginawa niyo? Did government pursue them? What did you reall­y do?,” ito ang sunod-sunod na tanong ni Bro. Eddie sa kanayang talumpati sa JIL anniversary na ginanap sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, Manila.

“The problem is killing­s right and left…as a Christian, I could not accept this. I believe in my heart, the President does not know this. These could be abuses of the scalawag members of the police system who decided to impress their superiors,” giit pa ni Villanueva­.


Samantala, tumanggi namang magkomento si incoming Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pahayag ni Villanueva.

Ayon kay Roque, aalamin muna niya ang dahilan kay Brother Eddie dahil sa pagkakaalam niya ay maganda ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng lider ng isa sa pinakamalaking religious group sa bansa.

“Aalamin ko muna po kung anong sinabi ni Brother Eddie. Ako naman po ‘no sa mula’t mula ang tingin ko hindi naman… hindi naman nagkaroon ng kahit anong hidwaan si Brother Eddie at saka itong si Presidente ano. So hayaan ninyong alamin ko muna dahil mahirap pong magkomento ng hindi ko rin talaga naintindihan kung anong sinabi,” dagdag na pahayag ni Roque.

Source Link


No comments:

Post a Comment