Sinabi ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. noong Miyerkules na wala siyang balak tumakbo sa Senado sa 2019 dahil plano niyang tapusin ang kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.
"Bakit ako tatakbo ng senador eh nanalo na ako ng bise presidente? Ang kailangan ko lang gawin ay palabasin ang tama at totoo na talagang boto ng tao," sagot niya sa mga reporters.
"I am not running for senator in 2019. Hindi ko titigilan itong protestang ito dahil tapat ang aking paniniwala na dinaya ako nitong nakaraang halalan at ipapalabas ko ang tunay na bilang ng boto nang malaman ng tao kung sino ba talaga ang pinili ng taongbayan para maging bise-presidente," dagdag pa niya.
Si Marcos ay natalo kay Robredo ng 263, 473 na boto noong halalan.
Binigyang-diin rin ni Marcos na ang tawag ng kabilang kampo na tumakbo siya para sa Senado ay isang estratehiya lamang umano upang pigilan siya sa kanyang electoral protest at gastusan na lamang ang kanyang pangangampanya sa halip.
"I am very thankful for the continuing support that I have received from our countrymen, but that is not what is at stake here. What is at stake here is not only my candidacy, not only the results of the vice-presidency, but what is also at stake here is the electoral process," ani Marcos.
Sa parehong press conference, sinabi ni Marcos na gusto niya ng isang bagong pinuno ng Presidential Electoral Tribunal (PET) dahil si Justice Benjamin Caguioa ay "hindi patas at hindi makatarungan."
No comments:
Post a Comment