Nagpahayag
na ng pagkandidato si dating Interior Secretary Manuel ‘Mar’ Roxas III na muli
itong sasabak sa politika sa darating na 2019 midterm elections.
Sa
video post sa official Facebook account, sinabi ni Roxas na naibigay niya ang
lahat para sa bayan dahil sa ilang taon na paninilbihan nito sa gobyerno.
“Apart
from pride, may dahilan ba na hindi ako mag-extend ng helping hand? Wala. And
so here we are. I don’t have any quit in me and I won’t quit on our country,”
pahayag ng mister ng mamamahayag na si Korina Sanchez.
Ayon
pa kay Roxas, matagal-tagal niyang pinag-isipan at nagsagawa pa ng ‘examination
of conscience’ kung tatakbo siya ngayon dahil sa mga babala ng malalapit sa
kanya na baka siya ay mapagtulungan lang.
“These
past few weeks I’ve had to undergo the most difficult exams ever, examination
of conscience and discernment. Walang ibang kausap o kalaban kundi ang
sarili,”aniya.
Makakasama
ni Roxas sa senatorial lineup ng Liberal Party (LP) sina Senador Paolo
Benigno ‘Bam’ Aquino IV, Magdalo Party-list Rep. Gary Alejano, dating Quezon
Rep. Lorenzo ‘Erin’ Tañada III, human rights lawyer Jose Manuel ‘Chel’ Diokno,
Marawi-based doctor Samira Gutoc-Tomawis, election lawyer Romulo Macalintal at dating
Solicitor General Florin Hilbay.
No comments:
Post a Comment