Sa susunod na termino hindi na muling sasabak sa pagka - Senador ang Mgdalo Party list Representative na si Senator Antonio Trillanes.
Sa isang press conference ito ay inanunsiyo ng Senador matapos maghain ang kanyang ka - alyado na si Representative Gary Alejano nitong Lunes lamang.
Ani ni Trillanes, "Papakita natin kay Mr. Duterte na kahit wala ka sa puwesto, kaya mo siyang tindigan, basta nasa tama ka"
Mababatid na nagkagiri-an ang dalawang kampo matapos ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya na ibinigay sa Senador kaugnay sa kasong kudeta at rebelyon.
Sabi ni Trillanes “marami na rin akong kaso before. Hindi naman naging hadlang ‘yan."
Noong Setyembre naisapubliko ang pagpapawalang-bisa sa amnestiya ni Trillanes ng Pangulo batay sa Proclamation No. 572 na nagsasaad na nabigong naihain ng mambabatas ang Official Amnesty Application Form nito kasabay ng hindi pag-amin sa nagawang kasalanan.
Nakita ng Pangulo na isa itong malaking butas upang mapa-usad na din sa Department of Justice (DOJ) ang pagpapawalang - bisa sa mga naunang kaso ng Senador na nag - ugat sa 2003 Oakwood mutiny at 2007 Manila Peninsula Siege.
-Dahil dito ipinag-utos ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang pag - dakip kay Trillanes dahil sa kasong rebelyon.
"Ang amnestiya ay ganap na pagpapatawad o paggawad ng kapatawaran may kondisyon sa mga maysala sa pamahalaan," ito ay base sa naunang balita ng ABS - CBN News.
Ayon sa Saligang Batas ang Pangulo ay may kapangyarihang ipagkaloob ang amnestiya, ngunit kailangang sumang-ayon dito ang mayorya ng Kongreso.
Saad sa Sec. 19, Article VII ng Konstitusyon: "He shall also have the power to grant amnesty with the concurrence of a majority of all the Members of the Congress."
Ang Pangulo rin ay maaaring mag-gawad ng reprieve o pansamantalang pagpigil sa nalalapit na parusa, at commutations o pagbawas o pagpapababa sa parusang ibinibigay sa taong may sala, maliban sa amnestiya.
Sa isang ambush interview, tinawag ni Trillanes na "duwag" at "diktador" ang Pangulo dahil habang ito ay nasa Israel saka inilabas ang utos.
Depensa pa ni Trillanes imposibleng mabigyan siya ng amnestiya kung nabigo nga siya sa pag sumite ng Amnesty Application.
Dagdag pa ni Trillanes "Hindi ka bibigyan ng amnesty kung wala kang application. Maliwanag 'yun. Kaya nga ito, it's a clear case of political persecution dahil wala silang mahanap na kaso sa akin so kailangang mag-imbento."
-Ang amnestiya ay iginawad noong 2010 ng dating Pangulong Benigno Aquino III sa bisa ng Proclamation 75, series of 2010 kay Trillanes at iba pang mga sundalong sangkot sa Oakwood Mutiny at Mania Peninsula Siege.
No comments:
Post a Comment